Halos 1,000 pasahero stranded sa mga pantalan

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 08:14 AM

Mayroon pang halos 1,000 mga pasahero ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Luzon, Bicol Region at Central Visayas.

Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, kabuuang 952 na bilang ng mga pasahero ang stranded.

Pinakamaraming stranded sa Cebu Port na mayroong 635 na pasaherong hindi pa makabiyahe.

Sa Pasacao Port naman sa Camarines Sur ay mayroong 122 na pasaherong stranded at 26 na pasahero sa Bulan Port sa Sorsogon.

Sa Batangas, mayroong 26 na pasaherong stranded sa Tingloy Port at 30 pasaherong stranded sa Calatagan Port.

Sa Quezon, mayroong 79 na pasaherong stranded sa Real Port at 34 naman sa Infanta Port.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 36 na motorbanca at limang barko na hindi pinapabiyahe sa iba’t ibang pantalan dahil sa sama ng panahon.

TAGS: philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.