DBM, maghihintay ng “friendlier congress” para maisulong ang cash-based budget
Maghihintay na lamang si Budget Secretary Benjamin Diokno na magkaroon ng friendlier congress para maisulong ang 2019 national budget na aabot sa P3.757 trillion.
Ayon kay Diokno, palaisipan sa kanya kung bakit biglang nagbago ng ihip ng hangin ang kongreso gayung dati naman ay pinapaboran ang cash-based budgeting.
Matatandaang sinuspendi ng House Committee on Approrpaition ang deliberasyon sa budget dahil sa pagtutol sa cash-based budgeting.
Sinabi pa ni Diokno na nabago lamang ang sitwasyon nang magkaroon ng pagpapalit sa liderato sa Kamara matapos mapatalsik sa puwesto si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at maupo si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Kasabay nito, sinabi ni Diokno na walang magaganap na katiwalian kapag nagkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.
Paliwanag ni Diokno, hindi naman na kasi popondohan ng pamahalaan ang mga natapos ng proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.