Ayuda sa mga naapektuhan ng Habagat, pinatitiyak ni Pang. Duterte
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t-ibang sangay ng pamahalaan na paigtingin pa ang pagbibigay serbisyo sa mga residenteng apektado ng Habagat sa Metro Manila at sa iba pang lugar.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng pangulo na matiyak ang kaligtasan ng bawat isa dahil sa Habagat pati na ng bagyong Karding.
Sa ngayon sinabi ni Roque na aabot na sa mahigit 133 million pesos ang naibigay na assistance ng pamahalaan at ito ay ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at ng Office of Civil Defense (OCD).
At batay anya sa hawak na datos na Malakanyang ay may ilang lugar pa sa Region 1, CALABARZON, Region 6, Region 10, Mimaropa at National Capital Region (NCR) ang apektado pa rin ng pagbaha.
Ayon kay Roque, dapat na maging alerto ang mga kina-uukulan at tiyakin na natutugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.