Pagdinig ng senado sa P60M paid-ad ng DOT sa PTV-4 sisimulan na ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 06:35 AM

FILE

Sisimulan na ngayong araw ng senado ang pagdinig sa 60 million pesos na paid advertisement ng Department of Tourism (DOT) sa PTV 4.

Ang blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ang mangunguna sa pagdinig.

Inaasahang sisipot sa pagdinig sina dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at kapatid niyang si Ben Tulfo.

Ani Gordon, kapwa nagkumpirma na kasi ng kanilang pagdalo sa imbestigasyon ang magkapatid.

Isinulong ang imbestigasyon matapos matuklasan ang kontrobersiyal na P60-million advertising deal sa pagitan ng DOT at Bitag Media Unlimited Inc.

TAGS: ben tulfo, dot, ptv 4, Radyo Inquirer, Wanda Teo, ben tulfo, dot, ptv 4, Radyo Inquirer, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.