2 menor de edad arestado sa buy bust operation sa Cavite; P4.2M shabu narekober
Kabilang ang dalawang menor de edad sa naaresto ng mga otoridad sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Dagul, 15 taong gulang; alyas Gagil, 17 taong gulang; Anisah Bongcarao, 19 na taong gulang; at Paks Boncarao, 63 taong gulang.
Narekober mula sa mga ito ang pitong plastic na naglalalman ng hinihinalang shabu. Tinatayang may bigat itong 652 grams at nagkakahalaga ng P4.25 milyon.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, magkakasama ang apat na mga suspek sa kanilang negosyong pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot.
Dahil dito ay mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Maging ang dalawang menor de edad ay posibleng makasuhan ng kaparehong kaso dahil sila ay kapwa nasa age of discernment na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.