DepEd iimbestigahan ang COA report tungkol sa mga nasirang libro

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 01:46 AM

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na iimbestigahan ng kanilang hanay ang tungkol sa inilabas na report ng Commisison on Audit (COA) kaugnay sa P25.2 milyong halaga ng mga sirang textbooks na natagpuan sa isang warehouse.

Batay sa ulat ng COA, nasa 820,682 na mga libro para sa Grade 2 pupils ang natagpuang nasira ng tubig ulan sa loob ng warehouse ng Lexicon Press, Inc.

Nakasaad pa sa report ng ahensya na ang pagkasira ng mga aklat ay dahil sa depektibong gutter at roof drain pipe na nagdulot ng pagbaha sa loob ng warehouse.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na makikipagtulungan sila sa COA patungkol sa naturang isyu.

Sa isang panayam ay sinab ni Education Secretary Leonor Briones na tinitingnan na ng DepEd kung posible bang magsampa ng kaso laban sa Lexicon Press dahil sa kanilang accountability sa mga nasirang libro.

Nabatid na nakatago sa warehouse ng Lexicon Press ang mga aklat dahil sa mga failed bidding ng mga forwarding services at dahil sa kasalukuyan pang isinasaayos ang warehouse ng DepEd sa Taguig City.

Samantala, bukod sa mga sirang textbooks ay sinabi pa ng COA na mayroon pang mga 2.1 milyong aklat na binili noong 2013 hanggang 2016 ang hindi pa naipamamahagi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.