Mag-livein partner na tulak ng droga arestado sa Pasay City

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 03:42 AM

SPD

Arestado ang magkarelasyon sa ikinasang drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay 127, Zone 13, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Bernadro Donggon alyas Benjo, 36 na taong gulang, at Jennifer Cruz, 27 taong gulang.

Nabatid na kapwa kabilang ang mga ito sa drugs watchlist ng Pasay City Police.

Ayon sa mga otoridad, mismong sa bahay ng mga suspek naganap ang transaksyon kung saan nakumpiska ang tatlong maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.