Drug suspek arestado sa Taguig City

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 03:40 AM

Timbog ang isang lalaki na suspek sa pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Tutktukan, Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Carlito Garcia.

Ayon sa Taguig City Police, gabi ng Lunes nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol umano sa nagaganap na transaksyon ng shabu sa lugar.

Agad na nagtungo sa kahabaan ng J.P. Rizal Street sa Barangay Tuktukan ang mga pulis kung saan nila naabutan si Garcia.

Kinapkapan ng mga otoridad ang lalaki at doon nakuha mula dito ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng Taguig City Police si Garcia at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.