Tinaggal na ng PAGASA ang lahat ng heavy rainfall warning na nakataas sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Zambales, at Barangas.
Sa 12AM weather advisory ng PAGASA, nakasaad na ang pagtatanggal ng heavy rainfall warning ay dahil sa mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan sa mga nabanggit na lugar sa nakalipas na isang oras.
Bagaman wala na ang heavy rainfall warning ay makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtaman na paminsan ay mabigat na pag-uulan sa mga probinsya ng Bataan, Bulacan, at Zambales sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Asahan rin ang katulad na lagay ng panahon sa Metro Manila, at lalawigan ng Batangas at Cavite.
MOST READ
LATEST STORIES