Pagbasura ng korte sa murder case laban kay Maza, welcome kay Bello

Tanggap ni Government Chief Negotiator Silvestre Bello III ang naging desisyon ng Nueva Ecija Regional Trial Court na ibasura ang kasong murder laban kay National Anti Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Bello na bahagi ito ng due process na kinakailangan sumunod sa rule of law.

Ayon kay Bello dahil sa dismiss na ang kaso dapat na ring ibasura ang warrant of arrest laban kay Maza.

Una rito nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Nueva Ecija laban kina Maza, mga dating mambabatas na sina Saturno Ocampo, Teddy casino at kay Rafael Mariano dahil sa pagkamatay ng ilang aktibista may ilang taon na ang nakararaan.

Read more...