Darating si US Pres. Barrack Obama sa Pilipinas para sa APEC Summit
Kinumpirma na ng White House na darating sa Pilipinas si US President Barack Obama para dumalo sa APEC Summit.
Kasama ang Pilipinas sa magiging biyahe ni Obama mula November 14 hanggang sa November 22.
Sa ipinalabas na pahayag ng White House, unang magtutungo si Obama sa Turkey para dumalo sa G20 summit at sa Pilipinas para sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Sunod na magtutungo si Obama sa Malaysia para dumalo sa US-ASEAN summit at East Asia summit.
Inaasahang darating sa bansa ang 21 leaders ng APEC member-economies para dumalo sa tatlong araw na summit sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.