Naghihintay pa ang Malacañang ng opisyal na komunikasyon mula sa Amerika kaugnay sa nakatakdang pagsasauli ng Balangiga bells sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang Department of Foreign Affairs ay wala pang natatanggap na kumpimarmasyon mula sa U.S.
Paliwanag ni Roque, tanging sa mga report lamang nalaman ng Malacañang ang ulat na ibabalik ng Amerika ang Balangiga bells.
Dahil dito, hindi pa mabatid ni Roque kung kailan darating sa bansa ang Balangiga bells.
Batatandaang kinuha ng mga sundalong Amerikano ang Balangiga bells sa Balangiga, Eastern Samar bilang war trophy matapos ang Balangiga masssacre noong 1901 o ang giyera sa pagitan ng Pilipinas at U.S.
MOST READ
LATEST STORIES