Phil Coast Guard nagtala ng ilang stranded sa mga pier sa Bicol

By Alvin Barcelona August 13, 2018 - 06:26 PM

Inquirer file photo

Kabuuang 346 na pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa Bicol at Southern Tagalog provinces dahil sa umiiral na masungit na panahon.

Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot sa 122 na pasahero ang stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur, samantalang 26 sa Tingloy Port at 63 sa Calatagan sa Batangas.

Dalawampung pasahero naman ang hindi makabiyahe sa Gasan Port, umaabot sa 58 sa Real Port at dagdag na16 sa Patnanungan Port sa Northern Quezon.

Bukod sa pasahero, kabuuan namang walong barko at 33 motorbanca ang stranded sa mga pantalan.

Sa nasabing bilang ay umaabot sa 58 ay nasa Real Port sa Batangas, samantalang tatlo sa Calapan at dalawa sa Sabang Port sa Oriental Mindoro.

Tig-isa naman ang naitala sa Calatagan, Tilik sa Occidental Mindoro at Gasan Port sa Northern Quezon.

Pinipigil din ang pagbiyahe ng 12 motorbanca sa Quezon, tig-dalawa sa Polilio at Bulan Port sa Camarines Sur habang tig-isa naman sa Calatagan, Agkawatan at Patnanungan.

Ayon sa Coast Guard, kailangan nilang maghigpit sa pagbabawal sa pagbiyahe ng ilang sasakyang pandagat para na rin sa kapakanan ng publiko.

Mananatili ang pagbabawal sa paglalayag hanggang sa hindi nagiging maayos ang alon sa mga karagatan sa mga apektadong lugar ng sama ng panahon.

TAGS: calatagan, camarines sur, philippine coast guard, port, calatagan, camarines sur, philippine coast guard, port

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.