Malacañang: Duterte buo pa rin ang tiwala kay Lapeña
Nananatili pa rin ang kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Ito ay kahit na nakapasok sa bansa ang magkasunod na shipment ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit sa P3 Billion at ang isa pang shipment na aabot sa P6.8 Billion.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit paano ay naharang ng BOC ang naturnag kargamento.
Aminado si Roque na gumagamit ng mga bagong strategy ang mga kalaban sa gobyerno kung kaya kinakailangan na repasuhin na rin ng BOC ang kanilang mga hakbang para hindi makapasok ang ilegal na droga sa bansa.
Mas makabubuti rin aniya na magkaroon ng mahigpit na pagkakaugnayan ang BOC at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabi pa ni Roque na pinag-aaralan na ng pangulo ang paggamit ng buong pwersa ng batas para mahuli, malitis at makasuhan ang mga taong nasa likod ng smuggling ng ilegal na droga.
Sa isang press conference noong Sabado, Sinabi ni Lapeña na nagkaroon ng miscommunication sa pagitan nila at ang PDEA kaya nakapuslit ang isang drug shipment sa lalawigan ng Cavite.
Nangako naman ang opisyal na gagawin nila ang lahat ng pagbabantay para hindi na maulit ang nasabing pangyayari at makikipagtulungan sila sa PDEA para matunton ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.