Warrant of arrest laban kina Maza, Ocampo, Casiño at Mariano binawi

By Alvin Barcelona August 13, 2018 - 03:37 PM

Tuluyan nang ibinasura ng Cabanatuan City Regional Trial Court ang kaso sa apat na “Makabayan” leader nahaharap sa double murder charges.

Kabilang sa inabswelto ni Judge Trese Wenceslao ng Branch 28 sina National Anti-Poverty Commission Sec. Liza Masa, dating Congressman Satur Ocampo, dating Cong. Teddy Casiño at dating Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano.

Sa desisyon ng korte sa motion for reconsideration ng mga akusado, hiniling nila sa korte na ibasura ang kanilang kaso at bawiin ang inilabas na warrant of arrest laban sa kanila.

Pinaboran ito ni Wenceslao dahil sa kawalan ng basehan ng demanda.

Dahil dito, dinismis ng korte ang kaso at binawi rin ang warrant of arrest para kina Maza, Ocampo, Casiño at Mariano.

Gayunman, tuloy ang kaso laban sa iba pang respondent sa double murder case na nakasampa sa Cabanatuan RTC.

Nauna rito ay isinangkot ang nasabing mga militanteng lider sa pagpatay kina Carlito Bayudang at Jimmy Peralta sa Nueva Ecija.

TAGS: Casino, communist, mariano, maza, miitant, Murder, ocampo, Casino, communist, mariano, maza, miitant, Murder, ocampo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.