Bilang ng naapektuhan ng Habagat, mahigit 1 milyon na – DSWD
Mahigit isang milyong indibiduwal ang apektado ng habagat na nagdulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.
Sa datos mula sa Disaster Response Monitoring and Information Center ng DSWD higit 200,000 pamilya mula sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Cordillera, Calabarzon at National Capital regions ang apektado.
May mahigit 7,000 barangay sa 5 rehiyon ang apektado ng pag-ulan at baha.
Base pa rin sa talaan ng kagawaran, may 14,000 pamilya ang lumikas at nanunuluyan pansamantala sa mahigit 100 evacuation centers.
Habang nasa 3,000 bahay ang napinsala at 51 sa mga ito ang nawasak.
Naipamahagi na rin ang P40 milyong halaga ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng ayuda kahit lumubo pa ang bilang ng mga apektado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.