Yellow rainfall warning nakataas sa 2 lalawigan

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 12:28 PM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa dalawang lalawigan sa Central Luzon dahil sa malakas na ulang nararanasan doon.

Sa abiso ng PAGASA, alas 12:00 ng tanghali, yellow warning Zambales at Bataan.

Ayon sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar ay maarig magdulot ng pagbaha at landslides.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Northern Caloocan, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 3:00 ng hapon.

 

TAGS: bataan, yellow rainfall warning, zambales, bataan, yellow rainfall warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.