Bayan ng San Mateo sa Rizal isinailalim na sa state of calamity

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 12:12 PM

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay dahil sa matinding epekto ng pagbaha na naranasan sa nasabing bayan mula noong Sabado.

Ginawa ang deklarasyon matapos ang ipinatawag na special session ng Sangguniang Bayan kaninang umaga.

Inaprubahan ng Sanggunian ang deklarasyon ng state of calamity base sa rekomendasyon ni Mayor Tina Diaz.

Sa ngayon mahigit 27,000 na indibidwal pa ang nananatili sa mga evacuation center sa bayan ng San Mateo.

TAGS: Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, State of Calamity, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.