Service interruption sa 33 barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at QC sinuspinde ng Manila Water

Hindi na matutuloy ang nakatakdang service interruption ng Manila Water ngayong araw na makakaapekto sa maraming barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, ipinagpaliban muna kasi ang pipelaying at interconnection activity sa bahagi ng EDSA-Shaw southbound dahil sa sama ng panahon.

Gagawin sana ang nasabing aktibidad mula mamayang gabi.

Dahil dito, ang water service interruption na orihinal na naka-schedule mula alas 7:00 ng gabi mamaya (Aug. 13) hanggang alas 9:00 ng umaga bukas (Aug. 14) ay hindi matutuloy.

Muli na lang maglalabas ng abiso ang Manila Water sa panibagong schedule ng aktibidad at interruption.

Read more...