Mahigit 8,000 indibidwal inilikas sa Rodriguez, Rizal dahil sa pagbaha

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 08:31 AM

FB Photo | Coun. Judith Cruz

Umabot sa mahigit 2,000 pamilya o katumbas ng mahigit 8,000 indibidwal ang inilikas sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay makaraang maapektuhan ng pagbaha ang kani-kanilang mga tahanan.

Sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rodriguez, ang mga barangay na labis na naapektuhan ng pagbaha ay ang Barangay Burgos, Manggahan, San Jose, Rosario, Balite at San Isidro.

Ang mga naapektuhang residente ay pansamantalang inilikas sa labingtatlong evacuation centers.

Samantala, suspendido na ang pasok ngayon sa munisipyo ng Rodriguez maliban lamang sa mga tanggapan na may kaugnayan sa pagtugon sa kalamidad.

TAGS: evacuees, habagat, provincial, Rizal, Rodriguez, evacuees, habagat, provincial, Rizal, Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.