2nd alarm nakataas pa rin sa Marikina River

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 08:12 AM

Malaki na ang ibinaba ng antas ng tubig sa Markina River sa Marikina City kumpara noong Sabado na kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Alas 7:00 ng umaga ngayong araw ng Lunes, nasa 16.3 meters na lamang ang water level sa Marikina River.

Nananatili pa rin sa 2nd alarm ang status ng ilog.

Kung magtutuloy-tuloy naman ang paghina na ng nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Rizal ay magpapatuloy din ang pagbaba ng antas ng tubig sa Marikina River.

Noong gabi Sabado, umabot sa 20.4 ang pinakamataas na antas ng tubig na naitala sa Marikina River dahilan para itaas ang ikatlong alarma.

 

TAGS: marikina river, Radyo Inquirer, weather, marikina river, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.