Mga korte na apektado ng pag-ulan at pagbaha pinayagang magsuspinde ng pasok ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 07:55 AM

Pinayagan ng Korte Suprema na magsuspinde ng pasok ngayong araw sa mga korte sa Marikina City bunsod ng naging epekto ng ulan na dulot ng Habagat.

Sa abiso ng Public Information Office ng Supreme Court, binigyang go signal ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio ang executive judge ng Marikina na magsuspinde ng operasyon.

Kasama din sa pinapayagan na magsuspinde ng operasyon ngayong araw ang iba pang mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha at pag-ulan.

Ang Marikina City ang labis na naapektuhan ng pagbaha sa Metro Manila bunsod ng naranasang pag-ulan mula pa noong Sabado.

 

TAGS: Marikina City, Supreme Court, work suspension, Marikina City, Supreme Court, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.