33 barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at QC, 14 na oras na mawawalan ng suplay ng tubig

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 13, 2018 - 07:13 AM

Labingapat na oras na mawawalan ng suplay ng tubig mula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga ang maraming mga barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon.

Ayon sa Manila Water, ito ay epekto pa rin ng ginagawa nilang emergency leak repair sa EDSA southbound service road malapit sa Shaw Boulevard.

Isasagawa na kasi ang pipelaying at interconnection ng water line kaya kailangan munang putulin ang serbisyo ng tubig mula alas 7:00 ng gabi mamaya hanggang alas 9:00 ng umaga bukas.

Maaapektuhan ng water interruption ang aabot sa 93,237 na mga bahay, commercial at business establishments.

Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na barangagy:

MANDALUYONG:
• Wack-Wack
• Mauway
• Addition Hills
• Highway Hills
• Malamig
• Buwayang Bato
• Barangka Ilaya
• Barangka Itaas
• Barangka Ibaba
• Barangka Drive
• Plainview
• Pleasant Hills
• Hulo

SAN JUAN:
• Greenhills
• Addition Hills
• Little Baguio
• Pasadena
• Corazon De Jesus
• West Crame

PASIG:
• Ugong
• Oranbo
• Pineda
• Bagong Ilog
• Kapitolyo
• San Antonio

QUEZON CITY:
• Kaunlaran
• Bagong Lipunan
• Horseshoe
• Valencia
• Immaculate Conception
• San Martin de Porres
• Ugong Norte
• Pinagkaisahan

Pinayuhan na ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng service interruption.

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, service interruption, manila water, Radyo Inquirer, service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.