Alaska niyanig ng magnitude 6.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Alaska.
Sa datos ng US Geological Survey, naitala ang lindol sa 40 miles southwest ng Kaktovic.
Makalipas ang ilang minuto, ibinaba ng USGS sa 6.4 ang magnitude ng lindol.
Ayon naman sa Division of Emergency Services ng Alaska, walang naitalang pinsala bunsod ng malakas na pagyanig.
Gayunman, nagdulot ito ng panic sa mga residente sa lugar na naglabasan ng kani-kanilang mga tahanan nang maramdaman ang lindol.
Nasundan din ng malalakas na aftershocks ang lindol at ang pinakalamalakas ay umabot sa 6.4 ang magnitude.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.