Sa abiso ng PAGASA, alas 6:00 ng umaga, yellow warning level ang nakataas sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Zambales, Bataan at sa mga bayan ng Nasugbu, Tuy, Lian, Calatagan, Calaca, Lemery, at Laurel sa Batangas.
Ayon sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar ay maarig magdulot ng pagbaha at landslides.
Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Tarlac, Pampanga, Laguna, Rizal at Northern Quezon at sa nalalabi pang bahagi ng Batangas.
Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 9:00 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES