M3.2 na lindol, naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-4:27 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 39 kilometro Silangan ng bayan ng Tarragona.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...