Ayuda ng gobyerno para sa mga biktima ng pagbaha umabot na sa P120M – Palasyo

Nakapagbigay na ng aabot sa mahigit P120 milyong ayuda ang gobyerno para sa mga biktima ng pagbaha na dulot ng pananalasa ng Habagat.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinaabot ang ayuda ng gobyerno sa pagtutulungan ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at iba pang organisasyon sa mga biktima ng pagbaha sa National Capital Region, CALABARZON, MIMAROPA, Regions I, III, VI at Cordillera Administrative Region.

Tiniyak ni Roque ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno para masiguro na maibibigay sa mga residente ang kanilang mga pangangailangan.

Nagpasalamat din ang Malacañang sa mga kawani ng gobyerno, pribadong sektor at mga volunteers na tumulong sa pagresponde sa mga naapektuhang residente.

Kasabay nito ay pinayuhan naman ng palasyo ang mga residente na manatiling alerto at ligtas.

Read more...