Lingguhang conjugal visits sa Bilibid, ipagbabawal uli

By Kathleen Betina Aenlle October 27, 2015 - 04:45 AM

 

Inquirer file photo

Ipapatigil na muna ng National Bilibid Prison (NBP) ang lingguhang conjugal visits sa mga preso nila.

Ito’y kasunod ng panibago na namang insidente ng pananaksak sa loob ng bilibid noong Sabado sa Dormitory 9-A sa loob ng Maximum Security Prison.

Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Fr. Robert Olaguer, gamit ang 11 pulgadang improvised icepick, sinaksak ng presong si Allan Pinot sa balikat ang kakosa nitong si Antonio Usis.

Gayunman, hindi na aniya maghahabla si Usis dahil personal daw ang naging alitan nila ni Pinot.

Dinala na sa disciplinary cell si Usis at isasailalim din siya sa drug testing.

Ito na ang pangatlong insidente ng karahasan sa loob ng Bilibid.

Kamakailan lang ay sinaksak din ng presong si Edward Villanueva ang kapwa nitong preso na si Cesar Aguilar.

Nauna pa rito, napatay din si Charlie Quidatu nang barilin ng kakosang si Ronald Catapang dahil umano sa alitan nang tumanggi itong sundin ang utos ni Quidatu na hagisan ng granada ang mga nakatatanda sa kanilang gang habang nagpupulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.