Lalaking sumuko na sa Oplan Tokhang arestado ulit dahil sa droga sa Quezon City

By Justinne Punsalang August 13, 2018 - 05:01 AM

Timbog ang tatlo katao matapos magkasa ng drug buy bust operation ang pulisya sa Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Dennis Galvan, 43 taong gulang at isang drug surrenderee; Edwin Porte, 54 na taong gulang at isang construction worker; at Michael Galvan, 42 taong gulang.

Ayon sa elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, ikinasa ang buy bust operation sa loob mismo ng bahay ng pangunahing target na si Dennis Galvan.

Doon nila naabutan ang dalawa pang suspek sa kalagitnaan ng pot session.

Narekober mula sa mga suspek ang 14 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang gamit na sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.