SAP Bong Go umikot sa mga evacuation centers sa Metro Manila

By Justinne Punsalang August 13, 2018 - 05:00 AM

Binisita ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang ilang mga evacuation centers sa Metro Manila.

Partikular na pinuntahan ng opisyal ang command center at evacuation center sa Marikina City, command center sa Taytay, Rizal, at evacuation center sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Unang binisita ni Go ang Marikina Command Center kung saan nagkaroon ng assessment briefing.

Sumunod naman siyang nagtungo sa evacuation center sa Barangay Sto. Niño, Marikina, kung saan nagpaabot ito ng pagkain sa 204 na pamilyang pansamantalang naninirahan sa lugar.

Dinalaw rin ni Go ang mga evacuees sa Barangay Nangka kung saan namahagi ito ng relief goods sa mahigit 700 pamilya.

Ikaapat na pinuntahan ng opisyal ang command center sa Taytay, Rizal na malapit lamang sa municipal hall. Dito ay nagkaroon din ng assessment briefing bago isinagawa ang ceremonila turnover ng relief goods sa local government unit (LGU).

Sunod na pinuntahan ng kalihim ang Exodus Elementary School sa Barangay Sta. Ana at ipinamigay ang relief good sa 139 na pamilya.

Huling dinalaw ni Go ang mga evacuees sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City kung saan naganap ang ceremonial distribution of relief goods sa 998 pamilya.

Matapos ito ay nagkaroon din ng maliit na pakain o salu-salo para sa mga evacuees.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.