Isang bayan sa Surigao del Sur niyanig ng lindol

Naramdaman ang isang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Cortes sa Surigao del Sur.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang naturang pagyanig kaninang alas-9:08 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa 132km hilagang silangan ng Cortes.

May lalim itong 29km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira sa ari-arian maging aftershocks ang naturang magyanig.

Read more...