Humihirit si Senador Ralph Recto sa pamunuan ng Kamara na tiyakin na hindi maantala ang pagpasa sa 2019 national budget na aabot sa P3.757 trilyon.
Pahayag ito ni Recto matapos magpasya ang House Committee on Appropriations na suspendihin na muna ang pagdinig sa budget dahil sa pagtutol sa panukala ng Department of Budget and Management (DBM) na gawing cash based ang budget.
Ayon kay Recto, bagaman karapatan ng mga kongresista na busisiin ang budget, kinakailangan na tiyakin na hindi maantala ang pagpasa sa Senado at hindi malalagay sa peligro ang serbisyo publiko.
Kasabay nito, sinabi ni Recto na premature o masyadong maaga pa para maghaka haka na mauuwi sa reenacted ang budget dahil sa pagsuspendi ng kamara sa pagdinig sa pambansang pondo.