Positibong tugon ng netizens sa gitna ng mga pagbaha ikinalugod ng Marikina government

By Ricky Brozas August 12, 2018 - 02:37 PM

Photo credit: Marikina PIO

Mahigit 3,000 pamilya ang napilitang lumikas sa lungsod ng Marikina matapos i-akyat sa ikatlong alarma ang babala sa Marikina River dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Gayunman, sa gitna ng kalamidad ay naghanap naman ng positibong mga bagay ang mga netizens katulad na lamang masayang kuwentuhan at pagkuha ng selfie sa kasagsagan ng baha.

Ginamit din nila ang social media para maiparating sa mga kinauukulan lalo na sa mga lokal na pamahalaan ang mensahe para magpa-rescue at mabigyan ng relief assistance.

Pinuri din nila ang mabilis at maayos na sistema sa mga evacuation centers partikular sa lungsod ng Marikina.

Ikinatuwa naman ng lokal na pamahalaan ang magandang pananaw ng mga residente.

Samantala, patuloy naman ang paghimok ng mga otoridad sa mga nakatira malapit sa Marikina River na lumikas na para makaiwas sa anumang sakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.