Suspek sa kasong rape, patay habang ini-inquest sa Maynila

By Jay Dones October 27, 2015 - 04:38 AM

 

HAND-CUFFSNamatay ang isang 45-anyos na lalakeng suspek sa panggagahasa sa isang 6-na taong gulang na bata makaraang sumpungin ito ng epilepsy sa kasagsagan ng inquest proceedings sa lungsod ng Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital si Gerardo Argota Jr., isang carwash boy matapos ang pangyayari.

Sa report ng pulisya, kasalukuyang humaharap kay Prosecutor Ma. Josefina Concepcion sa Manila City Hall si Argota nang bigla itong bumagsak at mangisay.

Kinumpirma naman ng mga kaanak ng biktima na may sakit itong epilepsy.

Si Argota ay unang dinakip ng mga otoridad batay sa reklamo ng isang barangay councilor ng Barangay 902 na nakahuli dito sa aktong ginagahasa ang isang anim na taong gulang na bata sa loob ng tenement kung saan ito nakatira.

Isasailalim sa kaukulang otopsiya ang labi ni Argota upang matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.