Ulan na ibinuhos ng habagat malayo sa ulan na ibinuhos ng bagyong Ondoy
Malayo ang dami ng ulan na ibinuhos noong bagyong Ondoy noong 2009 kumpara sa pag-ulan sa Metro Manila noong araw ng Sabado sanhi ng hanging habagat.
Batay ito sa monitoring ng Scientific Research Institute ng Manila Observatory kung saan nakapagtala sila ng pinakamataas na accumulated rainfall sa loob ng 24 oras sa Barangay Holy Spirit, Quezon City na aaabot 236mm.
Sinundan naman ito ng bayan ng San Mateo, Rizal na may 220mm at Nangka, Marikina City na may 215mm.
Ang pinaka-kaunting ulan naman ay naitala sa Sucat, Parañaque City na may 77mm accumulated rainfall.
Matatandaang sa pananalasa ng bagyong Ondoy ay naitala ang 455mm na ulan sa loob ng 24 oras na nagpalubog sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.