Panukalang 2019 national budget maaprubahan sa tamang panahon ayon sa isang mambabatas
Tiwala si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na maaprubahan sa tamang panahon ang panukalang pambansang budget para sa 2019 sa kabila ng suspensiyon ng budget deliberations sa Kamara de Representantes.
Kasabay nito ay sinabi rin ni Nograles na masyado pang maaga para sabihin na magsasagawa ng “marathon” budget deliberations ang mga mambabatas para makabawi sa mga araw kung saan sinuspinde ang mga pagdinig.
Umaasa ang Kongresista na bago ang ika-30 ng Nobyembre o bago sumapit ang Pasko ay malalagdaan na ng pangulo ang panukalang pambansang budget para maging ganap na batas.
Una nang sinuspinde ng lupon sa Kamara ang P3.757-trillion national budget sa 2019 para panindigan ang kanilang pagtutol na gawing cash-based ang sistema ng general appropriations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.