Eroplano bumagsak sa Indonesia; batang lalaki tanging survivor
Isang batang lalaki lamang ang tanging nabuhay matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa Papua province ng Indonesia.
Nakilala lamang ang nag-iisang survivor sa pangalang Jumaidi, 12 taong gulang.
Sabado pa nang mapaulat na nawawala ang Pilatus PC-6 Porter na isang single-engine plane na inooperate ng Dimonin Air.
Ayon kay Colonel Jonathan Binar Sianipar, nasawi ang walong iba pang kasama ni Jumaidi sa eroplano.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano na nanggaling sa Boven Digul district at papuntang Oksibil.
Ayon sa mga otoridad, nawalan ng contact sa eroplano matapos itong mag-radyo sa control tower ng Oksibil airport kung saan ito nakatakdang lumapag.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.