Lolo arestado dahil sa droga sa Taguig City

SPD

Inaresto ng mga pulis ang ilsang senior citizen matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa Barangay Ususan sa Taguig City kaninang ala-1:00 ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Francisco Octavo, 67 taong gulang na residente sa lugar.

Batay sa paunang impormasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng anti-criminlaity operation ang mga operatiba ng Taguig City PCP 6 nang matiyempuhan si Octavo na tila mayroong kahina-hinalang kilos.

Nilapitan ng mga otoridad ang matanda at doon nadiskubre na mayroon itong itinatagong dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Agad na inaresto si Octavo at dinala sa Taguig City PCP 6 kung saan ito sumailalim sa documentation.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Taguig City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...