Off Cam: “Players” manipulate BOC says insider

By Arlyn Dela Cruz August 12, 2018 - 06:02 PM

Inquirer photo

Bakit nga ba nakalusot na naman ang isang malaking shipment gamit ang Bureau of Customs (BOC) eh, akala ko ba mahigpit na sila doon?

Hayaan nating isang custom insider ang magpaliwanag.

Hindi alam o maaaring hindi pa alam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sino ang nasa likod ng bagong nadiskubreng P6.8 billion na shabu shipment, at siguradong malay ko lang ang peg ng Bureau of Customs pero ang mga Customs Insider na nakakuwentuhan ko–alam na nila ang pangalan kung sino.

Ito ay katulad noong bago pa pumutok ang pangalan ni Mark Taguba sa noon ay P6.6 billion shabu, alam na agad ng lahat ng mga players na siya ang sangkot.

It is safe to say that all players doing business with the BOC knew each other at least by name, malaki o maliit man na player.

‘Yong paglalagay ng shabu sa mga magnetic lifters, diskarte yun sa port of origin, o para sa mas malinaw na kuwento sa totoong port of origin, China, not Malaysia.

So, sino naman ang player na matunog sa mga kapwa nya players na nasa likod ng shipment na ito?

Taong 2011 pumasok as player yung kakuwentuhan ko. Itong player na ito, dinatnan na nila, malaki na ang pangalan next to the name of D. T. na alam sa mundo ng BOC na isang higante. Yung D.T., yung tipong player na Certificate of Eligibility mula sa National Food Authority (NFA) ay nasa 5,000 metric tons pero ang totoong ipinarating niya ay nasa 50,000 metric tons. This is not about D.T. though.

Binibigyang diin lang ng kausap ko na next in line yung player na ito na laging general merchandize ang parating. 100 containers every week ang parating ng player na ito.

Malakas loob noon, ito raw yung player na nasa likod ng smuggled na bigas ngayong taong ito lang, naibalita, except his name.

Now the bigger question is, puwede bang sabihin talaga ng mga opisyal ng BOC na walang paraan para malaman nila na illegal drugs ang tunay na laman ng container.

Kuwento ng kausap ko, malalaman agad kasi bawat container may manifesto. ‘Yong manifesto dumarating sa port 1-2 days bago ang arrival ng actual vessel. Doon pa lang alam na makikita na sa bigat pa lang at may sapat at akma ng teknolohiya at pamamaraan na tukuyin ang tunay na laman ng container.

Sige sabihin nating nakalusot sa manifest, paano naman ang x-ray department. Dapat lahat dumadaan doon, unless deliberately hindi idinaan. Ang lusot, “random test” kasi tapos straight sa yellow lane, which means no need for x-ray.

Sa documentation ng laman ng container batay lagi sa bigat, mahigpit daw sa China so ang lusot pag naging bulag sa pagbabago sa declared weight yung mag-iinspeksiyon dito.

So, sino ngayon o saan ngayon papasok ang lusot? Sino may kasalanan? Ang drug syndicate na natural mente mag-smuggle ng illegal drugs o ang mga daratnan sa port na bulag dun sa illegal na laman ng container?

Now, kailangan bang alam o nakatimbrw sa matataas na opisyal ng BOC? Puwedeng oo, puwedeng hindi, depende sa player kung gusto nya isama yung taas o hanggang x-ray division lang o level lang ng Customs police or in other words, hanggang baba lang.

Pag hindi sangkot yung sa taas, mas maliit ang kita ng player kasi mas malaki ang lagay at kung sa baba lang, mas maliit ang lagayan.

Sabi ng kausap ko, say for example, sangkot ang taas, nasa P10-Million ang bigaya. So do the math. Pag x-ray division or someone from the x-ray division o sa baba lang, P2-Million ang bigayan, so malaki ang kita ng player.

Kung natatandaan ninyo ang hearing sa senado tungkol sa naunang controversial shabu shipment from China, pag sinabing player, eto yung regular na may transaksiyon sa BOC at sa iba’t ibang client pero wala silang papel o official identity, pretty much like Taguba. Ang papel nila is to link consignee, client, and contacts sa BOC, taas man o baba.

At lahat ng player magkakakilala. Nagkakatunugan kung sino ang may parating na illegal. Iba yung under value na container–lahat ng player gumagawa noon sabi ng kausap ko.

Why sa BOC uli pinadaan ang shabu shipment? Siyempre may napatunayan na. Nakalusot na dati, so inulit. Meaning sabi ng insider na kausap ko, may sistema na silang nabuo. At most likely, same operators involved.

Will they do it again? Will this particular player do it again? Most likely kung hindi lulutang pangalan nya in the same manner na lumutang name ni Taguba.

Kahit gaano kahigpit… sa simula, masisilaw at masisilaw kasi iyon ang sistema, sino dumating sa taas, sino umalis, iyon ang sistema.

TAGS: Bureau of Customs, shabu shipment, Bureau of Customs, shabu shipment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.