Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng babala ng PAGASA na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa habagat.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mas makabubuti kung mananatili muna sa evacuation centers na inihanda ng mga lokal na pamahalaan ang mga apektadong residente.
Tiniyak pa ni Roque na patuloy na pinagsusumikapan ng pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente at masiguro ang kaligtasan.
Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa mahigit P120 milyong halaga ng assistance ang naipamigay ng pamahalaan sa mga apektadong residente.
Nagpapasalamat din ang Palasyo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging sa mga pribadong sektor at volunteers sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa publiko.