Stranded ang halos 700 pasahero at ilang sasakyang-pandagat sa iba’t ibang pantalan ngayong araw ng Linggo, August 12.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Capt. Armand Balilo, ito ay dahil sa patuloy na nararansanang sama ng panahon sa bansa.
Sa tala ng PCG, tinatayang nasa 635 ang kabuuang bilang ng mga apektadong pasahero kung saan 70 sa mga ito ay mula sa Pasacao Port, Bicol.
Dahil sa hindi magandang kondisyon ng dagat, stranded din ang pitong vessel kung 3 sa mga ito ay nasa Port of Calapan, tatlo sa Port of Real at isa sa Port of Tilik.
Umabot naman sa 19 na motor banca ang hindi makakapaglayag kung saan pinakamaraming naitala ang 12 bangka sa Port of Infantra.
Inabisuhan ng PCG ang lahat ng kanilang units na ipatupad ang guidelines o panuntunan sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang-pandagat kapag masama ang panahon para sa tiyak na kaligtasan ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.