National ID, malaking tulong sa mga OFW – Andanar
Good news ang Philippine National ID hindi lang sa mga Pilipinong nananatili sa bansa kundi maging sa mga overseas Filipino worker (OFW) ayon kay Presidential Commmunications (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na higit na makatutulong ang Philippine Identification System (PhilSys) Act para sa mga OFW na hindi nakakauwi ng Pilipinas para mag-renew ng kanilang mga ID.
Giit pa nito, requirement kasi ng isang empleyado na magkaroon ng iba’t ibang government IDs para sa kanilang trabaho.
Kaya aniya, kung magkakaroon ng one-stop shop nito, mas mapapadali ang gagawing proseso ng isang Pilipino lalo na ng mga OFW.
Samantala, inihayag ni Laguna Rep. Sol Aragones na target ng gobyerno na makapaglabas ng isang milyong Philippine National IDs bago matapos ang taong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.