Tulay sa Cavite, bumigay dahil sa naranasang pag-ulan
By Angellic Jordan August 12, 2018 - 07:15 AM
Bumigay ang isang tulay sa bahagi ng Barangay Esperanza Ilaya sa Alfonso, Cavite.
Ito ay bunsod ng naranasang buhos ng pag-ulan na dala ng southwest monsoon o habagat.
Ang tulay ay ginagamit bilang shortcut patungo sa Tagaytay City.
Wala namang nasaktan sa naturang insidente.
Samantala, daan-daang residente ang inilikas mula sa Barangay Tanza.
Ayon naman sa Cavite Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mahigit 450 residente ang apektado kaya’t lumikas na rin sa Barangay Amaya 5 at Amaya 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.