Inilabas na ng World Health Organization ang kanilang ulat na nagsasabing may sapat na ebidensyang makapagpapatunay na nakakapagdulot ng cancer ang pagkain ng mga ‘processed meat’ tulad ng sausage, bacon at ham.
Sa research na inanunsyo ng WHO, isinasaad dito na may ‘sufficient evidence’ na nakita sa pagkakaroon ng colorectal cancer sa isang indibidwal at ang malimit nitong pagkain ng mga processed meat.
Batay sa pag-aaral ng WHO at ng International Agency for Research on Cancer o IARC, mas tumataas ang posibilidad na magkaroon ang isang indibidwal ng bowel o colorectal cancer kung mas malimit itong kumakain ng mga naturang processed food.
Ayon pa sa mga eksperto, kapag kumain ang isang tao ng 50 gramo ng mga processed meat kada araw, mas tumataas ng 18% ang posibilidad na magkaroon ito ng colorectal cancer sa hinaharap.
Dahil sa ulat na ito, inilagay na sa Group 1 category ng mga ‘highly carcinogenic’ na mga produkto ang processed meat.
Ilan sa mga kabilang sa Group 1 category na ‘highly carcinogenic’ ay ang tobacco, asbestos at diesel fume.
Samantala, Nasa Group 2A naman o ‘probable carcinogens ang karne ng baka at baboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.