Oil price hike nakaamba sa Martes

Inaasahan ang maliit na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong darating na linggo.

Tinatayang aabot sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang madaragdag sa presyo ng diesel.

Maglalaro naman sa P0.05 hanggang P0.10 bawat litro ang taas-presyo sa gasolina.

Habang posibleng walang pagtaas o hindi kaya ay may P0.05  dagdag sa kada litro ang inaasahang dagdag sa presyo ng gaas.

Ang oil price hike ay kadalasang ipinatutupad sa araw ng Martes.

Read more...