WATCH: Kasal tuloy sa kabila ng pagbaha sa Bulacan

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 05:38 AM

Courtesy of Khourtney Lopez

Hindi inalintana ng isang couple ang baha dulot ng malakas at walang tigil na pag-uulan sa Hagonoy, Bulacan.

Sa viral video ngayon sa Facebook, hindi hinayaan ng bride na si Jobel Bañares delos Angeles na hindi matuloy ang kanyang pinakahihintay na araw.

Sa post ni Khourtney Lozada Lopez, makikita na abot-tuhod na pagbaha ang nilusong ng bride kasama ang kanyang pamilya palabas ng kanilang bahay.

Walang bahid ng kalungkutan si delos Angeles kahit hawak-hawak ang kanyang wedding gown.

Nagpatuloy ang masayang mood ng bride at ng mga bisita hanggang sa kanilang processional walk sa Santo Rosario Church na lubog din sa baha.

Napag-alaman na bukod sa kasal ay bininyagan din ang bunsong anak ni delos Angeles.

Umani naman ng pagbati at papuri ang bagong kasal mula sa netizens.

TAGS: #HabagatPH, Bulacan, Hagonoy, #HabagatPH, Bulacan, Hagonoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.