20,000 inilikas dahil sa wildfire sa California

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 05:25 AM

Nananatili sa evacuation centers ang aabot sa 20,000 katao dahil sa nagpapatuloy na wildfire sa Southern California.

Binubuno ng mga pamatay sunog ang wildfire na tumupok na sa 33 square miles o 85 square kilometers na lupain kasama na ang ilang kabahayan.

Walang tigil ang pagbuga ng tubig ng mga firefighters sakay ang aircrafts upang maprotektahan ang Lake Elsinore at iba pang foothill communities sa Cleveland National Forest.

Patuloy na nagpapalaki sa sunog ang malalakas na hangin.

Iprinesenta na korte ang lalaking sinasabing nagpasimula sa sunog ngunit ipinagpaliban ang kanyang arraignment.

Nakilala itong si Forrest Clark, 51 anyos na iginigiit na isang malaking kasinungaling ang kasong arson na isinampa laban sa kanya.

Aabot ang pyansa para kay Clark sa $1 milyon at maaaring makulong pamhabangbuhay.

Itinuturong dahilan ng mas matagal, mas mapaminsala at napaagang panahon ng mga wildfire ang tagtuyot at mainit na panahon bunsod ng epekto ng climate change.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.