Yellow warning level, nakataas sa Metro Manila at ilang mga lalawigan

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 02:40 AM

Ibinaba na sa yellow ang warning level na nakataas sa Metro Manila at Rizal.

Sa 2am heavy rainfall warning advisory ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Bataan, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Ibinabala ang pag-ulan sa susunod na tatlong oras na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Inaasahan naman ang mahihina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan ay may malalakas na pag-uulan sa Nueva Ecija, Tarlac, Laguna at Quezon na maaari ring tumagal ng tatlong oras.

Ang publiko ay pinapayuhang manatiling nakatutok sa PAGASA at sa Disaster Risk Reduction and Management Offices para sa lagay ng panahon.

Ilalabas ang next advisory ng PAGASA alas-5:00 ngayong umaga.

TAGS: #HabagatPH, Heavy Rainfall Advisory, PAGASA DOST, #HabagatPH, Heavy Rainfall Advisory, PAGASA DOST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.