#WalangPasok ngayong Linggo, August 12, 2018

(Updated) Nag-anunsyo na ang ilang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng mga klase at aktibidad ngayong araw ng Linggo, August 12, 2018.

Ito ay bunsod ng nararanasang mga pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyo sa labas ng bansa.

Wala ng pasok sa lahat ng antas sa:

– Malabon
– Manila (hanggang post-graduate)
– Marikina

Nauna na ring inanunsyo ng Philippine Civil Service Commission na kanselado na rin ang nakatakdang pagsusulit ngayong araw sa National Capital Region at lalawigan ng Rizal.

Samantala, inanunsiyo na rin ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan bukas, August 13.

Read more...