Sitwasyon sa Marikina ngayon mala-Ondoy – Mayor Marcy

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 01:00 AM

Photo courtesy of Marikina PIO

Inihalintulad ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang sitwasyon ngayon sa Marikina sa naranasan ng kanyang lungsod sa pananalasa ng Bagyong Ondoy noong 2009.

As of 11:52pm, ang lebel ng tubig sa Marikina River ay nasa 20.3 meters. Bumaba na ito sa 20.6 meters na naitala alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay Mayor Teodoro, ilang metro na lamang ay parang kasintaas na nito ang lebel ng tubig noong binayo ng Ondoy ang lungsod kung saan ang pinakamataas na naitala ay 23 meters.

Umabot na rin anya sa 140mm hanggang 160mm ang rainfall amount sa loob lamang ng limang oras.

Ipinatutupad na rin umano ngayon ang mga kahalintulad na protocol na isinagawa sa panahon ng Ondoy.

Sinabi ni Teodoro na sa ngayon ay malaking bahagi ng Marikina ang lubog sa baha na sa ibang mga baranggay ay pinutol na rin ang kuryente.

Aabot na sa higit 3,000 pamilya ang lumikas at kasalukuyang naglalagi sa 18 evacuation centers ng lungsod.

Sa social media ngayon ay puno ang panawagan sa local government ng mga residente na karamihan ay na-trap sa second floor para sila ay marescue.

TAGS: #HabagatPH, Marikina City, marikina river, #HabagatPH, Marikina City, marikina river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.